doctor

Ang family doctors ay specialized sa pagbigay ng habang-buhay na pangangalaga para sa iyo at sa iyong pamiya. Ang family doctors ang siyang una mong contact sa health care system; sila ang eksperto sa pagdiynagos at paggamot sa buong tao. Inaalagaan nila ang mga pasyente sa opisina, sa ospital, sa ibang mga pasilidad ng health care, o sa tahanan ng pasyente.

Ang Nurse Practitioners (NP) ay nagbibigay rin ng iba't-ibang uri ng pangangalaga para sa iyo at sa iyong pamilya. Bukod pa sa paggamot ng mga sakit, ituturo nila sa iyo at sa iyong pamilya kung paano mamuhay nang mabuti para sa kalusugan, at kung paano iwasan at pamahalaan ang sakit. Magkasamang ginagamit ng mga NP ang kanilang medikal na kaalaman at values at kasanayan ng nursing.

What is a Nurse Practitioner?

Nurse Practitioners (NP) also provide a wide range of care for you and your family. In addition to treating illnesses, they teach you and your family about healthy living, preventing disease and managing illness. NPs bring together medical knowledge with the values and skills of nursing.

Maghanap ng family doctor o nurse practitioner

Eto ang ilang mga mungkahi at mga opsyon kung paano humanap ng family doctor sa iyong komunidad:

  1. Maraming Division of Family Practice ang nag-aalok na i-connect ang mga pasyente sa isang family doctor. Mangyaring kontakin ang iyong local division para sa karagdagang impormasyon. Tumawag sa 1.800.665.2262. 
  2. Humingi ng mga rekomendasyon mula sa iyong mga kaibigan at mga kapamilya.
  3. Tanungin ang mga pinuntahan mong walk-in clinic providers kung tumatanggap sila ng mga bagong pasyente.
  4. Kontakin ang mga clinic na tumatanggap ng mga bagong pasyente para mag-book ng intake appointment. (hal., may karatula sa labas, business websites, atbp.)
  5. Mag-search sa FindaDoctorBC.ca para malaman kung may local clinics na maaaring tumatanggap ng mga bagong pasyente.

Mga sentro nang kalusugan ng komunidad (Community health centres)

Ang community health centres (CHC) ay nag-aalok ng iba't-ibang mga serbisyo sa health care sa iisang lokasyon, kabilang na ang access sa public at community health nurses, mental health at addiction counsellors, dental clinics para sa mga bata, speech therapists, nutritionists, youth drop-in health clinics, at marami pang iba.

Humanap ng community health centre malapit sa iyo

Mga alalahanin sa kalusugan na hindi madalihan

Pumunta sa iyong local walk-in clinic. Maaaring mayroon ding available na virtual appointments.

  1. Tingnan ang Medimap.ca para sa mga lokasyon at para malaman kung gaano katagal maghihintay.
  2. Tingnan ang PathwaysMedicalCare.ca para sa virtual options at clinics sa iyong komunidad.

HealthLink BC

Para sa mapapagkatiwalaang payô sa kalusugan at impormasyon para sa mga kasong hindi emergency, kontakin ang HealthLink BC sa 8-1-1, available 24/7 o ang healthlinkbc.ca.

Urgent and Primary Care Centres

Ang Urgent and Primary Care Centre (UPCC) ay para sa same-day na mga pinsala at sakit na hindi mapanganib sa buhay kapag hindi ka makapunta sa isang family doctor o health care provider. Karagdagang impormasyon tungkol sa mga UPCC.

 

Pharmacists services

Speak with your local pharmacist for urgent medication refills or renewals and new prescriptions including contraceptives. You can also go to your pharmacist for get assessed and treated for minor ailments. 

Book an appointment to see a pharmacist