Pangangalaga sa Emergency
Tumawag sa 9-1-1 o kaya'y magpunta kaagad sa iyong pinakamalapit na hospital Emergency Department kung ikaw o ang ibang tao ay nangangailangan kaagad ng medikal na atensyon para sa sakit, pinsala, o overdose. Para sa krisis o suicide, tumawag sa 1 (800) 784-2433.
Kailan dapat magpunta sa isang Emergency Department
Magpunta sa isang Emergency Department para sa mga kondisyon na kritikal o mapanganib sa buhay o para sa mga emergency sa mental health (pangkaisipang kalusugan. Ang aming mga emergency department ay nagbibigay ng pinakamahusay na pangangalaga para sa mga medikal na isyu tulad ng:
- Kung nasa isang grabeng aksidente
- Nahihirapang huminga, o may pangangapos ng hininga
- Grabeng pananakit sa tiyan o dibdib / mabigat na pakiramdam sa dibdib
- May mga palatandaan ng istrok, tulad ng facial droop, nanghihina ang braso, o pabulol na pagsasalita
- Nawalan ng malay-tao
- Hindi mapigilan ang pagdurugo
Ang iyong minamahal sa buhay ay maaaring mangailangan ng emergency mental health care kung siya'y:
- Nanganganib o nagbabantang malubhang saktan ang kanyang sarili o ang iba.
- Maaari mo ring i-access ang crisis intervention at suicide prevention services.
- May nakikita o naririnig na mga bagay.
- Naniniwala sa mga bagay na hindi naman totoo.
- Hindi maalagaan ang kanyang sarili, halimbawa, hindi kumakain, hindi natutulog, hindi naliligo, hindi tumitindig mula sa kama at hindi nagbibihis.
- Nahihirapan pa rin sa mga sintomas kahit na sinubukan na niyang magpagamot gamit ang therapy, gamot, at suporta.
Maaaring mag-iba-iba kung gaano katagal maghihintay; depende ito sa oras, lokasyon, at kung gaano ka nangangailangan ng pangangalaga. Ang mga taong nasa Emergency Department ay matitingnan depende sa kung gaano kalubha sila napinsala o kung gaano kalubha ang kanilang sakit; ibig sabihin nito'y ang mga taong may pinakamalalang sakit ang titingnan muna kahit na una kang dumating. Maraming ospital sa Vancouver Coastal Health ang may 24-oras na emergency services, pero maaaring mag-iba-iba ang oras kung kailan sila bukas. Tawagan ang HealthLink BC sa 8-1-1 upang i-verify ang mga oras ng pagpapalakad ng emergency services. Tingnan ang kasalukuyang Emergency Department wait times.
Humanap ng ospital malapit sa iyo
Mga mapagkukunan ng impormasyon o tulong kung may krisis sa pangkaisipang kalusugan (Mental health crisis resources)
Kung may krisis, tumawag sa 9-1-1 para sa medical emergencies at kung may mga nawawalang tao. Mayroon ding makukuhang suporta online:
Mental health crisis
In crisis? Call 9-1-1 for medical emergencies and missing persons. For crisis or suicide, call 1 (800) 784-2433. Online options are also here to support you:
Mga lokasyon ng ospitals sa Vancouver Coastal Health
Mahahanap ang detalye ng mga lokasyon at serbisyo na inaalok sa bawat ospitals sa rehiyon dito o gamitin ang find a location search para mahanap ang ospital malapit sa iyo.
Kailan dapat magpunta sa isang Urgent & Primary Care Centre
Ang Urgent and Primary Care Centres (UPCC) ay may team ng health care providers na naglalaan ng pangangalagang nakasentro sa pasyente; ang team ay binubuo ng family doctors, registered nurses, nurse practitioners, social workers at clerical staff.
Ang mga ito'y para sa mga táong may pinsala at/o sakit na kinakailangan matingnan kaagad ngunit hindi mapanganib sa buhay, at kailangan silang makita ng isang doktor o nurse practitioner sa loob ng 12-24 oras. Ang ilang mga halimbawa ng mga pinsala/sakit na maaaring gamutin sa isang UPCC: pilay at strain, mataas na lagnat, lumalalang chronic o pangmatagalang sakit, mga kaunting impeksyon, at bago o lumalalang kirot.
Ang mga UPCC ay may team na naglalaan ng pang-araw-araw na pangangalaga sa kalusugan. Sila'y naglalaan ng urgent care kapag hindi ka maaaring magpatingin sa iyong family doctor o nurse practitioner at ang iyong pinsala/sakit ay hindi emergency. Mangyaring magpunta sa isang emergency department kung mayroon kang kondisyon na kritikal o mapanganib sa buhay.
Vancouver Coastal Health UPCC locations
On-site x-ray services are available at the City Centre UPCC, North Vancouver UPCC and Richmond City Centre UPCC.
- City Centre Urgent and Primary Care Centre (UPCC) (Vancouver)
- Northeast Urgent and Primary Care Centre (UPCC) (Vancouver)
- Southeast Urgent and Primary Care Centre (UPCC) (Vancouver)
- REACH Urgent and Primary Care Centre (UPCC) (Vancouver)
- North Vancouver Urgent and Primary Care Centre (UPCC)
- Richmond City Centre Urgent and Primary Care Centre (UPCC)
- Richmond East Urgent and Primary Care Centre (UPCC)
Mga madalas na katanungan tungkol sa emergency department
-
Ano ang dapat kong dalhin sa Emergency Department?
Kung maaari, dalhin ang iyong photo ID, iyong BC Services Card o CareCard at listahan ng anumang mga gamot na iyong iniinom. Kung may anumang Medical Orders of Scope of Treatment (MOST) forms, dalhin din ito o sabihin sa iyong kapamilya na dalhin ito.
Iminumungkahi din naming huwag magdala ng maraming kagamitan o mga bagay na may kahalagahan kapag pupunta sa Emergency Department.
-
Ano ang mangyayari pagdating ko sa Emergency Department?
- Lalapitan ka ng isang Emergency Department (E.D.) Triage Nurse pagdating mo at tatanungin ka niya tungkol sa iyong mga sintomas; susuriin din niya ang iyong vital signs. Ihanda para sa nurse ang iyong photo ID, BC Services Card o kaya CareCard, at listahan ng iyong mga kasalukuyang gamot.
- Ang mga táong nagpupunta sa Emergency Department ay matitingnan depende sa kung gaano sila kalubhang napinsala o kung gaano kalubha ang kanilang sakit. Ibig sabihin nito'y ang mga táong may pinakagrabeng sakit ang siyang titingnan muna kahit dumating ka nang nauna sa kanila.
- Tandaan na ang iyong medical records mula sa iyong family doctor ay hindi available sa Emergency Department. Ang impormasyon na available lamang sa emergency doctors ay ang iyong medical history mula sa mga dati mong pagpunta sa ospital na iyon.
- Ang mga empleyado sa Emergency Department ay dedikadong magbigay ng pinakamahusay na health care na maibibigay nila. Pasensya na lang po sa iyong paghihintay para sa test results, interpretations, mga konsultasyon, at iba pang impormasyon na makakatulong sa amin na madiyagnos at maalagaan ka.
-
Ano ang mangyayari kapag handa na akong umuwi mula sa Emergency Department?
- Makikipagtulungan sa iyo ang iyong health care team sa pagpaplano ng kung kailan ka uuwi
- Maaaring bigyan ka ng iyong doktor ng reseta para sa gamot; sasabihin sa iyo ng isang nurse kung paano iinumin ang gamot.
- Subukang humanap ng isang kapamilya o kaibigang magmamaneho sa iyo o makakasama mo pauwi.
- Makikipagtulungan sa iyo ang iyong health care team upang ayusin ang anumang karagdagang pangangalagang kakailanganin, tulad ng home & community care services, pangangalaga sa ibang ospital, o rehabilitation services.
Payo ng nurse at pangkalahatang impormasyon sa kalusugan
Tawagan ang HealthLink BC sa 8-1-1 (7-1-1 para sa mga bingi o may kahirapan sa pandinig) para sa mapapagkatiwalaang payo sa kalusugan.
Ang libreng 24-oras na non-emergency telephone service na ito ay may trained registered nurses, pharmacists, at dietitians na makakasagot ng iyong mga tanong tungkol sa kalusugan; may mga makukuhang serbisyo sa pagsasalin (translation services) sa mahigit sa 130 wika.
Maaari mo ring tawagan ang iyong family doctor o nurse practitioner para sa pangkalahatang impormasyon tungkol sa kalusugan. Kung apurahan mong kailangan ang refill ng gamot, kausapin ang iyong pharmacist.Madalas silang makakagbigay ng short-term refills at iba pang payo.