Substance use intake services para sa mga bata at kabataan
Ang Child and Youth substance use intake services ay nagsusuporta sa mga bata, kabataan, at sa kanilang mga pamilyang may mga alalahanin sa paggamit ng droga o alak.
Dito ka magsisimula para makakuha ng suporta hinggil sa paggamit ng droga o alak
Mahalaga para sa iyo at sa iyong pamilya ang humanap ng tamang lugar. Magsimula sa intake services na ito para malaman kung aling programa ang pinaka-naaakma para sa bawat bata o kabataan hinggil sa mga alalahanin sa paggamit ng droga o alak.
Hindi mo kailangan ng referral mula sa isang doktor para makakuha ng intake support hinggil sa paggamit ng droga o alak.
Vancouver
Youth Central Addiction Intake Team (Youth CAIT)
Richmond
Richmond Community Mental Health and Substance Use Central Intake
North Shore
Sunshine Coast
Ang suporta hinggil sa paggamit ng droga o alak ay available sa pamamagitan ng school counsellors at ng youth health clinics. Ang suportang ispesipiko para sa mga Indigenous na tao ay makukuha sa pamamagitan ng First Nations Health Authority o ng local First Nation sa loob ng komunidad.
Central Coast at Sea to Sky
Ang suporta hinggil sa paggamit ng droga o alak ay available sa pamamagitan ng school counsellors. Ang suportang ispesipiko para sa mga Indigenous na tao ay makukuha sa pamamagitan ng First Nations Health Authority o ng local First Nation sa loob ng komunidad.