nurse at vaccine tent

Mga Public Health Unit

Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga serbisyo sa bawat Public Health Unit:

  • Pagkontrol sa Nakakahawang Sakit: Nagbibigay ng klinikal na suporta, resources, at edukasyon para maiwasan at makontrol ang mga nakakahawang sakit, kabilang ang pamamahala ng kaso, kontak, at pagkalat ng sakit para sa mga sakit na maiiwasan kapag may bakuna, mga viral na respiratory infection, mga impeksyon na naipapasa sa pakikipagtalik, at mga impeksyong naipapasa sa pamamagitan ng kontaminadong dugo.
  • Dental Public Health Children's ProgramMga serbisyo ng hygienist, kabilang ang dental screening, impormasyon sa kalusugan ng ngipin at bibig, paglalagay ng fluoride varnish, at mga referral para sa pangangalaga sa ngipin.
  • Mga Serbisyo sa Pandinig (Audiology): Screening sa pandinig para sa mga bagong panganak na sanggol, mga maliliit na bata at kabataan, pagbibigay ng diyagnosis para sa pagkabingi, at hearing aid fitting para sa mga batang 0 hanggang 19 na taong gulang.
  • Mga Klinika para sa Pagbabakuna: Nag-aalok ang mga Immunization Clinic ng mga inirekomendang bakuna para sa mga sanggol, mga batang pumapasok sa paaralan at mga nasa hustong gulang na may medikal na kondisyon at mga kumplikadong pangangailangan ng pagbabakuna. Sa oras ng appointment sa klinika, maaari ring makatanggap ng suporta ang mga magulang at tagapangalaga kasama ang iba pang impormasyon sa kalusugan para sa mga bata tulad ng mga pangkalahatang assessment ng kalusugan at development, impormasyon sa kalusugan, edukasyon at mga referral.
  • Nutrisyon (Public Health Dietitian Services): Ang mga dietitian ay nagbibigay ng impormasyon at suporta tungkol sa pagkain at nutrisyon sa pamamagitan ng mga konsultasyon, sa mga klinika, at pagtataguyod ng kalusugan.
  • Pediatric Nursing Support Services: Mga serbisyo at pangangalaga para sa mga batang may mga pangmatagalang problema sa kalusugan, mga medikal na komplikasyon, at special needs.
  • Prenatal at Early Years Program: Screening, edukasyon, at suporta, kabilang ang mga referral, kapag kinakailangan. Sinusuri din ng mga Public Health Nurse (PHN) ang kalusugan at pag-unlad ng mga ina at bagong panganak na sanggol, at nagbibigay ng edukasyon at patuloy na suporta sa mga unang taon ng pagkabata (early childhood) kapag kinakailangan.
  • Mga Serbisyo sa Pananalita at WikaEbalwasyon at diyagnosis ng mga problema sa pananalita at suporta para sa mga residente ng VCH mula kapanganakan hanggang maging kwalipikadong pumasok sa Kindergarten.
  • Paningin: Pampublikong edukasyon at mga referral para sa optometry.
  • Kabataan at Sekswal na Kalusugan (Youth Clinic): Edukasyon sa kalusugan, counselling, pagbibigay ng contraception at emergency contraception, diyagnosis ng pagbubuntis at counselling tungkol sa mga opsyon, pagpapasuri at pagpapagamot ng mga impeksyon na naipapasa sa pakikipagtalik, mga pagpapabakuna, at mga referral.

Public Health Unit locations by community