Youth Assertive Outreach Mental Health Team
Related topics: Child and youth mental health and substance use Children and youth health Mental health Mental health and substance use Substance use Vancouver mental health and substance use services
Kailangan mo ba kaagad ng tulong?
Kung may alalahanin sa kalusugan na nangailangan kaagad ng atensyon, mangyaring tumawag sa 9-1-1 o magpunta sa emergency sa ospital na pinakamalapit sa iyo.
Suicide hotline: 1-800-784-2433
Tawagan ang BC Crisis Line: 604-310-6789
Kids Help Phone: 1-800-668-6868
KUU-US Crisis Support Line (Indigenous Toll-Free Crisis at Support Line sa Buong BC): 1-800-588-8717
Ang Youth Assertive Outreach Mental Health Team ay nagbibigay ng counselling support sa mga kabataang maaaring hindi konektado sa pamilya, mga kaibigan, at mga suporta ng komunidad, at na kadalasang nakakaranas ng marginalization at mga hadlang sa pagkuha ng mga serbisyo.
Ang kabataang sinusuportahan ng team na ito ay maaaring nasa foster care, mag-isang naninirahan, tagilid ang sitwasyon sa pamamahay, nakakaranas ng homelessness o nasasangkot sa mga sitwasyon sa kalye; maaaring may problema sila sa paggamit ng droga o alak, o problema sa mental health, at maaaring nakaranas sila ng mga traumatic na pangyayari sa kanilang buhay.
Kami ay isang specialized team na nagsusuporta sa mga kabataang hanggang 18-taong-gulang kung kanino sinubukan na dati pero walang nagawa ang mag-engage sa mainstream mental health services. Ang Outreach team ay nag-aalok din ng ispesipikong suporta para sa mga Indigenous na kabataan at nagsisikap itong magbigay ng counselling na sensitibo sa kultura at nagsusuporta sa kabutihan, sa loob ng isang relational outreach na paraan. Kabilang din sa team ang dalawang community-based na clinicians na naglalaan ng suporta sa mental health mula sa dalawang site, kabilang na ang Urban Native Youth Association (UNYA) at South Vancouver Youth Resource Centre.
Ano ang maaasahang mangyari
Kabilang sa mga suporta ang indibidwal na mental health at wellness counselling kung saan isinasaalang-alang ang trauma, referral sa group counselling, psychiatric assessment at follow-up, pag-ugnay ng kabataan sa mga community-based support para mapalakas ang kanilang support network, advocacy, at pagpaplano para sa transisyon ng kabataan mula sa youth services at/o foster care, at pagsuporta sa iba sa loob ng grupong nag-aalaga sa kanila.
Paano ito i-access
Ang mga referral ay kadalasang ginagawa ng community partners mula sa care team ng kabataan. Kung nire-refer mo ang iyong sarili, o kung ikaw ay isang nag-aalalang magulang/caregiver na gustong gumawa ng referral, ang una mong gagawin para makakuha ng suporta sa mental health ay ang kontakin ang Child & Youth Mental Health Intakes para sa mga bata at kabataang 6 hanggang 18-taong-gulang.
Youth Assertive Outreach Mental Health Team at Robert & Lily Lee Family CHC
- Main: (604) 688-0551