The Foundation Program
Related topics: Child and youth mental health and substance use Mental health and substance use Substance use Youth substance use services
Ang Foundation Program sa Covenant House Vancouver ay isang live-in, harm-reduction, at recovery program para sa mga kabataang (16-24 taong-gulang) na naninirahan sa Vancouver.
Ano ang maaasahang mangyari
Tititiyakin at tutuparin ng mga kabataan ang kanilang goals hinggil sa mas ligtas na paggamit ng droga o alak. Layunin ng suporta na bawasan ang risk at dagdagan ang kaalaman at awareness na may mga mas ligtas na gawi sa paggamit ng droga o alak.
Ang program ay may kasamang counselling, social work, primary care, group programming, access sa meals at onsite gym, mga aktibidad para sa libangan, access sa kultural at/o spiritwal na suporta, at mga oportunidad na matuto ng life skills.
Ito'y nasa Vancouver at ito'y pinapalakad ng Covenant House at Foundry Granville, at pinopondohan ng Vancouver Coastal Health Authority.
Resources
-
-
Foundations: Supporting Youth in Mental Health and Substance Use
-
Paano i-access ang serbisyong ito
Kinakailangan ang referrals at ito'y kinokompleto ng isang community counsellor o health care professional sa tulong ng kliyente. Oras na natanggap ang isang referral, ito'y nirerebyu ng Central Addiction Intake Team (CAIT) Concurrent Disorder Counselors para matiyak kung ito'y kompleto at para masigurado na ang mga kliyente ay mailalagay sa pasilidad na pinakamainam para sa kanilang mga pangangailangan.
I-access ang programang ito sa pamamagitan ng Central Addiction Intake Team (CAIT).